4.16.2006

may pasok na bukas!

May pasok na kami bukas. Hindi ito summer class o kung ano mang vocational course. May pasok na talaga kami, 4th term na namin. Indi pa ako ganap na sophie. Dahil ang term na nabanggit ay parte talaga ng school year namin. Ika nga ng lola ko, kakaiba ang kalendaryo ng ikswelahan namin.

Ilang linggo na ang nakalipas, wala akong ibang bukambibig kundi “excited na akong pumasok”, “ayoko na dito sa bahay”, “ayoko nang maging professional bum” at kung ano-ano pang litanya na maaring lumabas mula sa bibig ng isang taong walang ibang gianawa kundi umupo sa harapan ng laptop nya, mag-download poreber kahit naka-dial up lang, at magbasa ng magbasa sa araw-araw na ginawa ng Diyos sa buhay niya. Lahat na nga yata ng activities na involve ang mata, nagawa ko na. Pwera na lang siguro ang bumutas ng isang bagay, gaya ng nagagawa ni Cyclops ng x-men. Hehe

Aaaay. Ilang oras na lang may pasok na talaga ako. Hindi ko talaga masabi kung sing excited pa ba ako noong bakasyon. Parang ayoko na hindi. May pasok na kasi…ibig sabihin, kailangan ko nang ikasatuparan lahat ng plano ko…kailangang maka-dos ako na gwa (general weighted average) o mas mataas pa, consistent dapat. Kasama din sa plano ko ang pagpapayat. Kailangang makaipon ako ng malaki para sa big day sa ****. Kailangan ding makasanayan ko na uli ang pag-uwi agad. Graduate muna ako sa dota…nakasaad din sa mga plano ko na kakaririn ko na talaga ang pag-aaral ko. Pero baka mag-job hunting na din ako! Nakow!

Teka, bukas na rin ang araw ng pagpasok ko sa bago kong kurso. May mga tao na naman akong pakikisamahan. Panibagong mga kaibigan (sana)…

Pambihira.

Handa na kaya akong panindigan ang mga pangako’t planong bitiwan ko?

Haaay..sa ngayon, eto ang nasisiguro ko, excited na akong pumunta sa Manila Cathedral bukas. Di ako katoliko at wala rin akong kakatagpuin dun. Pero sa akin na lang kung bakit excited na akong pumunta doon bukas.

halaga

"Kung minsan, kung alin pa ang pinahahalagahan mo noon, yun pa ang ipinagwawalang-bahala mo ngayon."

Kasalukuyan siyang nag-aayos ng mga files sa kanyang kompyuter. May kalumaan na ito, sinauna kumbaga. Subalit ayaw nyang paltan ‘to. Makailang ulit na syang sinabihan ng kanyang ina na paltan na ito, na bibilhan na lamang siya ng bagong kompyuter ngunit ayaw nya. Bagamat Word at Excell na lamang ata ang matino’t gumaganang mga softwares sa kanyang lumang kompyuter, walang kaso sa kanya iyun. Tutal, Word lang naman ang madalas nyang gamit.

Naputol ang pag-aayos niya ng kanyang mga files sa kompyuter nang ayain na sya ng kanyang ina upang matulog. Silang mag-ina lamang ang nakatira sa bahay. Hiwalay na ang kanyang ina sa kanyang ama, samantala, ang kanyang mga kapatid ay may mga asawa na. Makalipas ang ilang minuto, nag-shut down na sya ng pc.

Malamig ang hanging humahampas sa mga kurtinang nakasabit sa mga bintana. Tila ito ba’y nang-eengganyong lumabas siya. Ngunit imbis na lumabas siya ay nagkasya na lamang sya sa pagsilip sa mga bintana.

"Syet! Ang ganda ng buwan!" sambit niya.

Ngunit ang mapang-enganyong hangi’t buwa’y di naging sapat upang makumbinsi siyang manatiling nakasilip o tunguhin ang terrace.

Inaantok na siya. Tinungo na niya ang kanyang kuwarto. Nang marating na niya ito ay pinaltan na niya ang nakapaskil na “keep out” ng “beware” sa pinto.

Malapit na siya sa kanyang kama nang bigla siyang natisod. Sinipat niya kung ano ang nakatisod sa kanya. Ang CAT shirt pala nya…para tuloy siyang biglang dinala sa memory lane

…noong nasa hayskul pa sya, ito ang isa sa mga pinaka-importanteng damit niya. Ika nga, madumihan na ang lahat huwag lang ito. Subalit ngayo’y kupas na ang mga letrang naka-print sa t-shirt…marumi na rin ito at pakalat-kalat na lang sa kanyang kuwarto.

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Matutulog na siya. Maaga pa ang pasok niya bukas.

-041406-

4.07.2006

nawawala sina rey at basil

*sighs*

My dad brought all the rey valera and basil valdez’ cds. Haaay…kinikilig pa naman ako tuwing naririnig kong kumakanta si rey valera…sayang, gusto ko pa namang kiligin sa gitna ng init ng araw at pahapyaw na paghampas ng hangin sa aming mga kurtina…

Nakaka-ilang beses na ako ng sabi sa sarili ko na maliligo na ako. Pero alas dos na ng tanghali, hindi pa rin ako naliligo. Tinatamad pa rin akong kumilos. Animo naka-glue na ang pwet ko sa kama habang halos magkandakuba na ang likod ko kaka-type at kaka-internet…hindi ko tuloy malaman kung boluntaryo ko na nga bang inaaksaya ang oras ko o ano…

Kanina, isang tunog ng text ang gumising sa akin…ang sabi, “hinahanap ka ni tr. gen sa akin…” bigla akong nabuhayan ng loob at pagkatapos ay bumangon agad mula sa aking kama. Dali-dali akong nagmumog at pagkatapos ay binuksan agad ang naka-hibernate kong laptop…sa kasamaang palad, gamit pala ng nanay ko ang telepono kaya hindi muna ako makaka-konek sa internet…sayang, ang sabi pa naman ng nagpaalam sa aking kinakamusta ako ni tr. Gen ay online daw ito at nasa trabaho…

Makalipas ang ilang minuto…sa wakas, ay magagamit ko na ang telepono. Dali-dali akong kumonek sa internet…online nga sya, kaya lang ay hindi naman sya sumagot agad sa im ko…

Chinek ko kung may iba pang online…meron nga, isang nick na hindi pamilyar sa akin…nag-post ako ng ym status na “sa buhay natin, marami tayong gagawin dahil kailangan, hindi dahil gusto natin.” At pagkatapos ay sumagot siya ng “yeah”. Napaisip tuloy akong bigla kung paano o sino ba itong ka-chat ko ngayon. Hayun…napagkilanlan namin ang isa’t isa…nakakatuwa nga dahil ibinahagi pa niya ang tulang gawa nya…sa kasamaang palad, hindi ko ito gaanong naintindihan dahil ang ibang salita ay malalalim na tagalog (gusto kong matuto nun!)…ibinahagi nya sa akin ang address ng blog nya, ganun din ang ginawa ko…

Sa palagay ko, wala pa ako sa kalahati sa pagbabasa ng blog nya…pero may pahayag siya na higit na nakatawag-pansin sa akin…

"Ano kaya ang mas mabigat dalhin sa dibdib, ang magsinungaling sa maraming tao o ang magsinungaling sa sarili?"

Hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nagkokomento sa kanyang pahayag…

"Parehong mabigat...pero mas mabigat ang lokohin ang iyong sarili...dahil alam mong nasa katinuan ka, pero hinahayaan mong mangibabaw ang panlolokong ikaw mismo, itanggi mo man, ay hinahayaan mo na lang na lamunin ka..."

4.06.2006

I’m about to make the hardest decision yet…I don’t know how I’m gonna put into words what I’m going through now…the mere thought of the decision-making alone brings me to tears already…

I can’t post it here…not until I’m ready…

Line of the day: “Sa buhay natin, marami tayong gagawin dahil kailangan, hindi dahil gusto natin gawin.” ---Huling yakap sa tag-araw

hear ye! hear ye!

Wuhoo! I am now a proud sister of a 12-year-old boy, ehem teen, who’s been circumcised today! Ahihi! It wasn’t really planned that he’ll have his circumcision today. Basta naisipan lang ng tatay ko, ayun! Contrary to what I usually see in tv and films, my brother was very quiet during the circumcision…no shouting, no tears at all. Atapang-a-kapatid ko! Wuhoo!!! I really am happy for him. Now that he’s a full pledged man (well, hygienically speaking), I have four simple wishes for him. First, I hope that he’d be a consistent honor list-er. Second, he’d lose weight in time. Well, he’s kinda chubby. Pero okay lang. He’s only 12, but he’s hella taller than me. (hint: 5’5 lang ako, 5’7 na ata sya eh). Third, I hope that he’d be addicted to basketball. At maging tambay sya dahil dun, tipong di ko na sya matagpuan sa bahay dahil sa bball. And last, I don’t want him to impregnate anyone out of wedlock. Or else, mapapatay ko talaga sya!

4.04.2006

Paano kung unlimited ang lahat ng bagay sa mundo?

Paano nga ba kung unlimited ang lahat? Yung tipong everything wouldn’t come with a price…basta sige lang ng sige, kuha lang ng kuha ng anumang magustuhan mo…

…siguro mawawalan na ng kredibilidad si Webster at maghihirap na ang pamilya niya…malamang ang diksyonaryo na ang magiging pinakamanipis pero pinakamabentang libro dahil ang kailangan mo lang kabisaduhin ay ang mga salitang “i” at “want”…tapos bonus words na lang siguro ang we, us at iba pang kaanak ng mga nasabing salita…at malamang, ang “welcome” ay maaring magiging extinct na…di na rin uubra ang bored [board] game na Scrabble o ang laro sa computer na Text Twist dahil di mo na kailangan pang pahirapan ang sarili mo kakaisip ng mga salitang mabubuo gamit ang iba’t ibang letra…dahil ang i, w, a, n, t na lang ang tuluyang mage-exist sa alphabet—combined vowels at consonants na yan ah.

…ang lahat ay magiging English/language proficient na dahil ang mga salitang “i” at “want” naman ay madadaling bigkasin…kahit nga aso kaya yan eh, yun bang gaya nung sa aso sa Ripley’s na kayang magsabi ng hello.

…ang mga salitang us, u, love, we, relationship, give at maging friend o family at iba pang mga kaanak ng mga salitang nabanggit ay tuluyan na sigurong mae-extinct kung forever unlimited tayo…samantala, magiging hall of famer naman ang mga salitang mine, no, we, receive etc…pati na rin ang mga phrases na “don’t want to, not available, etc.” Syempre ang mga salitang “i” at “want” ay may lifetime achievement na.

…ang mga bata nama’y di na mahihirapang magsulat pa ng mahahabang pangalan gaya ng Ma. Regina Jasmin Remedios o Angel Judy Anne o Christian John Mark o kung ano-ano pang mga pangalan ng santo na pinagsama-sama (pun intended). Since i, w, a, n, t na lang ang mage-exist na mga letra sa mundo…Ang proposed [future] name ko ay maaring ganito… ang mga sanggol ay papangalan nang W1 o A34627.67 o kaya nama’y N7 ½ and so forth…makakabuti ang ganitong klase ng pangalan dahil [kahit paano’y] gagaling ang mga bata sa pagsasaulo ng mga numero at pagde-derive ng kanilang mga pangalan mula sa pangalan ng kanilang mga magulang, yan ay kung sakaling makalimutan nila ang name-number-combination nila…

…malalalos na ang mga propesyong Nursing, Engineering at Caregiver [pati DH] dahil ang mga magiging pinaka-pamoso nang propesyon ay ang pagiging Mathematician at Hacker…na ang magiging trabaho ay ang mag-derive at mag-isip ng mga posibleng numero na magiging pangalan ng mga tao…sisiguruhin din nang mga Mathematicians na walang magkakapareho ng mga pangalan…

…pwede rin namang kumuha ng kursong BS Hulatogy major in Hacking…magiging lucrative career ang mga nasabing propesyon. Maari ka ding sumikat sa buong mundo kapag magna/suma cumlaude ka sa nasabing kurso…maha-hack mo na kasi ang kumpanya ni Bill Gates, at kung papalarin ka ay magagawa mo pang pabagsakin ang emperyo niya…

…kung unli ang lahat ng bagay at i, w, a, n, t na lang ang mage-exist na mga letra sa mundo…paano na ang mga letrang g, o, d,…pati na rin mga letrang l, v, e…o kaya ay mga letrang h, k, y, u, c, m,...di na ba mabubuo mga ang salitang thank you, commitment o di kaya’y give dahil mae-extinct na ang mga letrang nabanggit? Ano yun? Kung may Ice Age: the meltdown at The extinction of dinosaurs…magkakaroon din ba ng “Alphabet: the downfall” o di kaya’y “The extinction of the world’s alphabet”? O baka nama’y dumating na ang panahon na hanggang scientific names na lang tayo ng mga letra…halimbawa, sa letrang “e” (dahil extinct na), ang scientific name ay “.24684243”

…kung magkaganito nga, baka mamaya makapag-derive ang mga future Mathematicians ng mga salitang greed, d i ss a t i sf a c t i o n, no t welcome at iba pang kaanak nito mula sa mga relics ng extinct na dictionaries nina Webster at Thesaurus. Baka mamaya mapaltan na ang pangalan ko sa birth certificate ko…baka imbis na yung given name ko na Greicia Gay ay maging G.214 R.23456 E.6452 E.5689 D.245 Y46 ½ na. Hala! Baka di na ako magka-surname nyan! Baka maging extinct na rin ang surnames dahil magfo-focus ang mga Mathematicians sa paggawa ng mga unique na first names…baka nga naman magka-ubusan di ba? Eh papaano na nga naman ang susunod na henerasyon, di ba?

…kung ang mga letrang i, w, a, n, t na lang ang matitirang mga letra sa mundo…paano na nga ba ang tatlong pinakang importanteng mga letra na g, o, at d? tuluyan na bang di mabubuo ang mga salitang trust, give, thank you o di kaya’y commitment dahil mae-extinct na ang ibang mga letra? *sighs* Di ko lubos maisip kung anong mangyayari kapag di na nabuo pang muli at mga letrang g, o, d, at l, o, v, e etc. Kung hindi mabubuo, nakasisiguro akong tataas ang market value ng chaos, hell at damnation. Tsk.

--032906

Typed and edited: 032106

masaya ako sa naging desisyon ko

Ignore. Ignore. Ignore. Ignore. I g n o r e!

Ewan ko ba…hindi ko talaga maintindihan kung bakit napaka-big deal ng pag-shift ko from interior design to BS Psychology (oo na…dahil sayang sa pera, oras atbp. ka-chenesan. Na-credit naman lahat ng tineyk ko ah, maliban syempre sa drawing at physics lec at lab ko). It came out as a real shock especially to my grand parents and relatives. People kept asking me why I shifted…sinasagot ko na lang sila na “para masaya”. My mother even blurted out that I need not to shift anyway because she thinks that I can finish interior design…plus I don’t have any failing grades at all, especially in my drawing class.

Ang nega ng mga tao every time na sasabihin kong nagsa-psych ako. Sasabihin nila na para sa mga baliw lang daw yun, na pang HRD chuchu etc. I know it doesn’t look like it’s one hella lucrative career. Pero alam kong ito ang makakapagpasaya sa akin…aminado naman ako na bago ako pumasok ng kolehiyo, di ko pa sigurado ang course na kukunin ko. Na set ko na kasi sa mind ko na kapag nakapasa ako sa DLSU dati, I’d take up either Marketing chenes or Psychology. But surprise, surprise! I didn’t pass. Nung bumagsak ako sa DLSU, I had no idea what school to go to or what course to take. So I took Mapua’s entrance exam kasi wala lang…I did pass for my first choice sa Mapua na Computer Engineering… True, I like computers. But before the classes started, I asked to be transferred to another program, which is Interior Design (mahabang kwento kung bakit). I thought I could make use of my talent in this program. Pero nang nagtagal…I realized that it’s not just about the talent…or how fit you are to a certain course. Dapat pala…dun ka sa gusto mo, sa makakapagpasaya sa’yo, kung saan alam mong passionate ka, yung pang matagalan…hindi yung sa kung gaano kalaki ang kikitain mo o sa ideya ba na kung makakapag-abroad ka laging nakatingin…dahil kung sa kikitain mo lang ikaw naka-focus at hindi sa ikasasaya mo, ewan ko na lang kung saan ka pupulutin…

2nd term pa lang, dilemma ko na kung nasa tamang course ba ako. Nung 3rd term, I shifted to Architecture pero nagkulang ako ng .1 sa grade required para ma-approve ang pag-shift ko (buti na lang!). That’s the time I thought, “hey… Maybe this isn’t really for me. Hindi na ako masaya sa ginagawa ko. Walang-wala na akong gana…I’ve to make a decision now or else...” So there…I decided to take a risk. I shifted to BS Psych in Mapua. A friend suggested that I transfer to Assumption College in Makati kasi maganda daw Psych dun (at saka malapit lang para kahit di na ako mag-boarding house). Pero ayaw ng parents ko…magkakagulo lang daw at mahihirapan ako.

Finally, may direksyon na ang buhay ko. Haha! Halos sabay kaming nagka-direksyon sa buhay ni Siobs. Sabi nga ni Santiago (tama ba?) sa The Alchemist, kapag gusto mo ang isang bagay, nagko-conspire ang universe para sa katuparan nito. True enough, everything did fall into places. Syempre marami pa ring hassle, gaya ng never ending na pagsagot sa mga tanong ng mga taong di makuntento sa sagot na “masaya naman ako sa desisyon ko at sa ginagawa ko.” Nandun din ang never ending na pangangaral at pagtatanong ng mga magulang ko kung sigurado na daw ba ako sa desisyon ko.

Minsan, hindi ko rin maiwasan ang mag-isip o di kaya’y mag-worry…ilang taon na lang, ga-graduate na ako. 3 years lang ang Psych sa Mapua. Malapit na akongh mag 2nd year…wala sa budget ng parents ko ang pagdo-doctor ko. Pagka-graduate ko pa naman eh saktong magka-college na ang kapatid ko. So paano na yan? Saan ako pupulot ng pera pampaaral sa sarili ko? Ayoko namang umasa pa sa parents ko, o *gulp* maging pabigat [kahit pa obligasyon ng mga magulang na pag-aralin ang kanilang mga anak]…syempre hindi naman ako bulag para hindi makita na napapagod na rin sila at nagkaka-edad na… Hmm…Plan A, mang-hunt-ing ng scholarship abroad na sasagot sa lahat ng expenses ko. Plan B, pumasa at mag-aral sa UP Diliman, maging working student at kung papayag sina ate shane, makikitira ako sa kanila sa Fairview para libre ang pag-tira. Plan C? Wala pa. Basta. Bahala na si Lord. Basta ang gagawin ko na lang sa ngayon, mag-aral ng mabuti at kumuha ng scholarship sa Mapua sa 2nd year 1st term. Yan ang goal ko for now.

4.01.2006

I realized today that things doesn’t…rather will never end up the way you exactly want it to be…no matter how bright things may seem…it will always have an end. It’s inevitable.

Line of the day: “Go find your happiness…wherever that’ll take you.”
--From the film Dick Roberts, former child star

“You are beautiful…

No matter what they say…

Words can’t bring you down…”

--Beautiful by Christina Aguilera

…truth is words can [sometimes] bring you down. Words can either kill you or leave you alive. Words can bruise a heart…and sometimes, it can mend one.

3.30.2006

umulan ng cell phone kagabi

Elementary graduation ng kapatid ko kahapon. Pero di sya mukhang grade six. Paano, mas malaki pa sya sa akin eh! 5”5 ako…5”7 na ata sya o 5”8. Ang description ko nga lagi sa kanya eh monster sya. Ehehe! Naiyak nga ang nanay ko nung patapos na ang grad…masaya daw sya dahil natupad lahat ng dasal nya para sa kapatid ko…ang tumangkad, tumaba, at tumalino. First time kasing umakyat sa stage ng nanay ko dahil sa kapatid kong yun…apat na beses nga syang umakyat eh at kasama dun ang pagtanggap nya ng award ng kapatid ko bilang top 3 sa klase nila. Lupet.

Pagkatapos ng grad, bumili kami ng isang gallon ng ice cream at isang pack ng gardenia wheat bread. Sa bahay nama’y naghihintay na sina manang Linda at yaya Cita dahil nagluto sila ng spaghetti. Yun lang ang handa namin kasi sabi ni moms, may bago namang cp si Jo, yung kapatid ko. Ayun, may 3230 cp sya. Sabi ni moms, kung maganda daw ang grades ko next term, posibleng may I-pod ako. Yibuy!

Pagkatapos kumain nina moms eh pumunta sila ng head office para kumuha ng mga cp. Aba’y pag-uwi nila, may dalang 3230 at N70. Dalawa sana ang N70 nila, tig-isa sila ni popz, aba’y ibinigay na lang sa executive secretary nila yung isa. Pwede namang sa akin na lang? Tapos bibigyan pa ng nanay ko yung paborito kong tiya ng bagong N6680. Hala! Naulan ng mga cp! Tinanog ko nanay ko…sabi ko bakit ang dami nyang cp na bago. Sabi nya, “incentive sa min yun. Syempre masipag kami eh.” (wooo! Yabang ng nanay ko.hihi). Ayun, inio-offer-an ako ng 6680. Kaya lang pag tinanggap ko yun, ibig sabihin kaya nun wala na akong ipod? Sa totoo lang, kuntento naman ako sa cp ko ngayon, walang camera pero may radyo naman. Maganda ang kasalukuyang cp ko kasi malayo sa mata ng mga holdup-er at snatcher at saka konti lang ang kapareho ko ng cp. Ala akong kakambal. Pero…di sa lahat ng oras naulan ng cp noh. Indi rin naman sa lahat ng oras maiisipan ng nanay ko na bilhan ako ng ipod. So ano na nga ba?

Geesh. Sana naman sa susunod, umulan na ng mga apple laptop. Sigurado ako, hindi ako magpapayong!

3.29.2006

walking oxygen tank ba si Regine Velasquez?

Aaminin ko, bilib talaga ako sa boses na meron si Regine Velasquez. Contrary to what other says, na puro sigaw lang daw si Regine…sa tingin ko magaling talaga sya at magagamit nya ng to the highest level ang God-given talent nya…Hindi ko alam kung saan nakukuha ni Regine ang hanging ginagamit nya para makakanta ng mga pamatay na kanta (dahil pag ako na ang bumirit nang mga kanta nya, baka pagtaksilan na ako ng oxygen ko at di na ito bumalik sa katawan ko)…nung minsan, napadpad ako sa isang forum sa isa nyang fan site at may thread na may pamagat na ‘songbird’s highest note’ daw. Syempre binasa ko. Pambihira! Dinugo ako sa pagbabasa! Kulang na lang eh mag-tumbling ako ng patiwarik mula sa kinauupuan ko! Tatlong pahina na ng thread ang nabasa ko pero hindi ko pa rin naintindihan ang mga sinasabi nilang c6, f7 at iba pang ka-chenes-an. Tsk tsk. Wala talaga akong alam sa mga nota-nota chuva.

Ewan ko ba dyan kay Regine Velasquez, di ko alam kung oxygen tank ba sya na nagkatawang tao o talagang may oxygen tank syang nakatago sa katawan. Siguro meron syang compact oxygen tank sya. Teka, kung may compact oxygen tank nga sya, saan naman kaya nya posibleng itinatago? Siguro may storage room sya, tapos kahol lang ng aso nyang si George (tama ba?) ang code para mabuksan ito. Aba'y nang magsabog ng oxygen si Lord sa mundo, hindi man lang nag-payong si Regine! Teka, makanood nga ng SOP sa linggo, baka sakaling ma-spot-an ko kung saan nya itinatago ang tangke nya. Baka kasi compact oxygen yung kanya…aalamin ko kung saan makakabili nun para mabigyan ko yung kaibigan kong ganid sa hika, malala kasi hika nun eh.

Teka…mukhang hindi pa naman magre-retire si Regine dahil wala pang ichini-chika sina Kris o Boy o Pia Guanio na ganun. Mukha naman syang mabait dahil nakanood ako ng Mel and Joey noon kung saan ay nag-auction sya ng 30 designer gowns nya (di ba sikat mga designers nya? Sina Ino Sotto, Pepsi Herrera atbp di ba?) para sa mga cancer patients na bata (lahat ng proceeds ay mapupunta sa mga cancer patients). Sabi nya, lahat ng gowns na ini-auction nya ay may sentimental value dahil yung iba ay sinuot nya sa mga sold out concerts at pati na rin daw sa asian contest na sinalihan nyo noon (sya ang grand winner nun). Hindi ako mahilig sa mga gown...pero sabihin na nating kunwari ay may isa akong Acer Ferrari laptop, 2 Apple laptop, 3 Ipod, isang XDA IIs, isang N90 at kung anu-ano pang mga gadgets, nako! Kailangan ko siguro ng buong linggo para matanggap na io-auction ang mga gadgets ko for a good cause…kakailanganin ko din siguro ng isang buwan para matanggap ang katotohanang wala na ang mga gadgets ko, sakaling sold out ang mga ito sa auction ko. Kakailanganin ko din ng isang gallon ng ice cream at isang pack ng gardenia wheat bread para pang alo man lang sa akin. Hmm…kung balak nang mag-retire ni Regine at sakaling maisip nyang gusto nyang tumulong sa kapwa ng walang kapalit, pwede syang mag-volunteer sa PGH (alam nating magagaling mga doctor dito pero kulang ang ospital sa mga kagamitan). Sa tingin ko, sapat na sya para mag-supply ng oxygen para sa [buong ospital] sa lahat ng mga pasyente.

Tingnan mo nga naman o, ang haba na pala ng nasulat ko…samantalang ang gusto ko lang namang sabihin eh maraming hangin sa katawan si Regine at makakatulong sya sa mga mahihirap na pasyenteng kailangan ang oxygen.

3.27.2006

nabigla ako!

I was channel surfing again, and chanced on boy abunda's homeboy a while ago…there’s this guy who went through sex transplant and body enhancements. Graabe! They showed his pictures then…and now…ay graabe talaga! Ang ganda nya na ngayon! Napa-tumbling ako eh! Iba na talaga nagagawa ng medisina ngayon…puro thank you dok. Geeesh. Baka naman pag henerasyon na ng mga magiging anak ko…ang magiging sitwasyon na eh, “uy, palit tayo ng ari!” (pun intended). Ayoko naman ng ganyan…God designed us beautifully. There’s no need to go through sex transplant at kung ano-ano pang ka-chenesan. You ought to learn to love yourself for who and what you are noh.

3.04.2006

i've found a new home!!!

go to...


http://ghreay.deviantart.com

2.03.2006

one month!and i havent written anything yet!geeesh, busy...busy...

12.27.2005

Christmas [material] wishlist

1) united – look to you (pati na rin dating, dating, dating cd’s pa)

2) more gospel cd’s!

3) greyhoundz’ apoy (not another angsty music)

4) urbandub’s influence

5) new wave cd’s…

6) classics cd’s…

7) any cd that has 80’s songs…

8) mishka adams’ God bless the child (silly me, I forgot who I lent it to)

9) regine velasquez’ covers II and Songbird sings the classic – I know it’s so not me... What can I do? I heard she’s gonna sing 80’s songs in covers II…now that’s cool!

10) LOTR vcd’s or dvd’s (I think I’m the only person in earth who hasn’t seen LOTR 2& 3—looser!)

11) Rod Stewart’s latest cd (greatest hits thingy…)

12) More instrumental cd’s!

13) More books to read! (paki-soli na ng mga books ko please!)

14) External hard disk (10 gig will do)

15) Ram upgrade for my laptop (1 or 2 gig…bilis nun!)

16) Ipod U2 version (latest gen.)

17) A car (altis or vios…or better yet, CR-V…coolness!)

18) 1 gig mem card for my digi cam

19) starbucks planner (which I’ll soon have…my *bux 2005 planner ended up in my “tambakan”)

20) World peace - don’t wanna sound miss pageant-ish, but it’s obviously what we need. No further explanation needed.

21) A backpack laptop bag (from samsonite)

22) Lifetime supply of “peppermint bark chocolate” (babaw!)

23) And last, photography books (why are they so costly!? Ugh!)

whoops! cd’s…cd’s…and more cd’s…

dang!

I think I’m becoming a professional bum…and [I think] I’m getting good at it. Wish I could do more productive stuff but I can’t really think of anything to do…draw/write/come up with floor plans I guess? It’s just that this “katam” is creeping up on me and I can’t stop it! Ugh! Most of my time was spent in front of my laptop, surfing the net to death! I wanna go to school na, have my weekly allowance and play warcraft dota (why was it called that way, anyway?) even if it means I’ve to play it alone.

12.03.2005

I'm pretty messed up.

reaching for the star...

"You know you want to get that star you see every night. You promised to yourself that someday you would walk through the invisible bridge to the moon, and then take the star home. That someday came. Armed with a spaceship, you flew to the moon. You took some rest and then finally decided to walk on the golden stairs...the star is getting closer to you...closer...closer...closer...one more step, and you're almost there. Just when you're about to take that last step, you fell. Then you finally realize it was the end of a supposed-to-be beautiful beginning."

11.27.2005

18th-ness

Graaabe! We had suuper fun last night…’twas my 18th b-day post celeb…kinda get together. It was really, really great. Majority of the most important people in my life went last night although some didn’t made it (ope you guys did) cos they had classes pa…but it was fulfilling to see the people who made an impact in my life or influenced me somehow…

Special thanks to:
- my mapuan friends who made the night crazily splendid…paulo, mario, kim, pey, nanz, jc, pabear…thanks guys
- my best friend, Abba, for sponsoring the balloons and hosting my “18 budoinks”
- my other best friend, Mel, for the video coverage (whoops! I know it was chaotic)
- to my best buds, Dai and Mog…
- to my sisters in Christ, Annie (thanks for giving ‘em a ride), Shayne, Jes and Neris
- to Tr. Mildred and Alvin who wanted to go but couldn’t, thanks pa rin…
- to my “badi’s” dhrei and renjol and marvz and ikay, you guys owe me
- to rest of my kada who greeted me but weren’t able come…karen, joy, ki, gel (you guys
owe me too)
- to siobe and to Jena who could’ve been here last night
- to manang linda, yaya cita, and the rest of the security guards who helped my dad to come
up with a wonderful party
- and of course, to my parents who made the get together possible…who loves me…and
who’s always been supportive to me...
- and lastly, to God. None of these would’ve happened if it weren’t cos Him

11.18.2005

argh!

I really don't know why my link isn't working...anyhoo, if you wanna read the entire story about the "isyung istarbaks"...this is the link:

http://nilipon-ng-panahon.blogspot.com

enjoy reading!

Isyung istarbaks:
ang resibo at mautak na tiyan sa likod ng kopi dyeli at oreo tsikeyk

by: gay r. ayad


**ang kwento ay base sa sariling karanasan ng may akda

11.17.2005

when it's meant to be, it really is meant to be

>> had lunch at starbucks (labo!)…saw there’s coffe jelly light pala…I’m gonna try that! But what’s the difference between the light and the ‘normal’ coffee jelly? Less caffeine I guess? Whatever! I’d still try it…next on the line is the peppermint thingy…

>> was teary eyed cos there wasn’t ‘ny taxi this morning (babaw!)…had to ride the jeepney cos I was reaaally running late…missed my consti class cos I had to do my plate. 'Twas supposed to be finished last night but I fell asleep…good thing, God woke me up at around 5 pm…but I still ran out of time…arrived in school around 910 am…was heck-ness late for my English class…had to look for my drawing prof cos I promised him that’d I’d pass my plate in the morning…he told me they’d have a meeting in the afternoon…unfortunately, his afternoon is before 9am lol...cos I saw him at SW401…I even asked for him…too late to realize that he’s already attending the meeting that he told me yesterday…didn’t notice it lol

>> was shocked to see ate sally velasco going to rob's place...i pretty ran to her. hehe nagkwentuhan kami...she asked me how's ate...dami nya ding kinwento bout sa mga students nyang koreano...

>> I saw this supah pretty woman…I think she’s in her early 30’s na…from head to toe, ibang klase talaga…she’s pretty and slim…pretty amazing for her age…d best din ang hair nya…I was even tempted to ask her if she had hairspa or of any sort hehe…and if I knew how to draw humans, I would have drawn her in minutes. That’s how pretty she is…sorry…can’t help but admire her beauty…

>> studied for my Filipino class at starbux awhile ago…ang ingay at ang gugulo ng mga katabi ko! When they left, I said “haaay salamat”…tapos the lady beside me heard me…ayun! She asked me where I study, what I’m studying, my name…at kung ano-ano pa…hanggang sa napansin ko na lang na di na pala ako nag-aaral at nakikipagkwentuhan na lang ako sa kanya…she told me stuff…like about her best friend, boy friend, parents, death of her dad, gimiks etc…she even told me that she wants to be an interior designer…but her parents asked her to take up education instead…she didn’t follow what they told her to…she took up fashion design cos it’s the closest course to her passion…she told me na she really likes designing, kahit ano…pero ang passion nya ay maging interior designer talaga…ayun! I told her about Philippine School of Interior Design in Makati…na may short courses dun para maging interior design consultant…good thing, I knew psid…wehehe at eto pa, papunta pala talaga sya ng Makati! We barely know each other… Can you imagine that? Pero God used me to lead her to psid…He must’ve used me in leading her to fulfilling her dreams and following her passion…and boy, I’m glad I took part in it…simple circumstances can change ones lives talaga…you’ll never really know how much people you can influence simply because you allowed God to use you… *smiles*

>> to ate ruth, if ever you chance on this entry, God bless you in fulfilling your dreams…follow your passion…magiging masaya ka, don’t worry. = ) it was great meeting you…I ope we’d meet at starbucks again.

…one thing I realized though, ang kapal na pala ng mukha ko este nagiging people person na nga pala talaga ako…ewan, kahit nga sino ipakausap mo sa akin ok lang eh…keh taxi driver pa yan o janitor…makakakwentuhan ko…hihihi

11.15.2005

eddie guerrero is dead

i'm saddened by his death...di talaga ako makapaniwala...huhu i watch wrestling pa naman lagi noon...sayang talaga sya... ='(

11.13.2005

a day of loss and gain

** I lost my cell phone…ang stupid tsk tsk...

** It’s my best friend’s birthday today! Wuhoooo! Haberday memhel!!!

** Had a date with my best friend, hehe. I always call it a date whenever there’d only be the two of us (ex. me and a friend or me and a friend of a friend)…had fun catching up…the last time we met was last September pa…that was long…when we were talking, it was like nothing has really changed…walang hiyaan ba…

** Sighs. I asked Him of a new camera not a cell phone…then why did He let me lose it?

** May intercom na kami…hihi tuwang-tuwa youngest bro ko…he’s only 7… (bakit ngayon lang yan naisip ng mga magulang ko? Hmmm…)

“animo ikaw ay nasa pangarap mong paraiso na walang mga bulaklak…”

Minsan gusto ko na lang pumunta sa isang lugar na ako lang ang nakakaalam…tapos ang kasama ko eh ang bibliya at laptop ko lang…pero sa ngayon? Ano kamo ang hiding place ko? Walang iba kundi sa starbucks ng rob’s place…doon nagagawa kong magmasid ng iba’t ibang klase ng tao na siya namang kinagigiliwan ko…sari-saring tao ang masasaksihan mo sa loob ng kopi shap na iyun…may mga yuppies, mga young professionals ba…may mga atchay killers (scenario: foreigner na sobrang smitten sa isang Filipina)…mga Paulinian na madalas iisa lang ang english word sa isang tagalong sentence (hal. “eh yun na nga, he saw me from afar…tpos…” >>labo..di akma hehe)…mga matatandang mag-asawa (sweeet!) na pumunta lang talaga dun para mag-kape…mga thomasians na nursing students ata na hindi yata alam kung ano ang lugar na napasukan dahil hindi marunong na hinaan ang boses…mga kano…mga japayuki…mga taong di ko na ma-determine kung babae ba o lalaki talaga…mga koreano at kung sino-sino pang asyano na singkit…may mga negro din…at syempre may mga ordinaryong mamamayan na gaya ko…ewan ko ba…hindi ko alam kung anong magnet meron ang starbucks sa akin…halos lahat yata ng kopi shap na makikita ko o nakita ko na, sinusubukan ko nang hanggat maari ay isang beses pero lagi akong bumabagsak sa starbucks (adik nga siguro ako)…marahil ay siguro nasanay na ako sa ambiance na mayroon ang starbucks, napaka-homey ba…para sa akin yan ah…starbucks ang hiding place ko…dito ako nakikipagtalastasan sa Kanya…dito ko inilalabas at minsan ay iniiyak ang mga sama ng loob ko, frustrations, pangamba at kung ano-ano pa…dito ko rin nagagawang sumulat ng mga kanta at makapag-aral sa consti…sa gitna ng ingay at dami ng tao sa starbucks, nagagawa kong ilabas ang sarili ko gamit ang panulat at papel ko…pakiramdam ko napaka-payapa ng mundo ko kapag nasa loob ako ng kopi shap…kahit pa sabihing salamin lang naman o dingding o pinto ang naghihiwalay sa akin sa labas…masaya ako sa tuwing naroon ako, mag-isang nakaupo, nagmumuni-muni, nagdarasal at bumubuo ng mga pangarap…at nagsusulat...ilang buwan pa lang akong umiistambay sa starbucks…sa palagay ko, sa pagtagal ng panahon ay kasama siyang maiisulat sa aking istorya ng buhay…hindi ba’t naging piping saksi ang kopi shap na starbucks sa sandamakmak na istorya ng buhay ng mga taong labas-masok doon?

**note: yup, I did generalize…no offense meant…these are purely my opinions…okish.

kung pagapalain ako ng mahabang oras, nais sanang isama ng may akda si toshi (notebook ko) papuntang starbucks...doon namin pagsasaluhan ang kaaya-ayang tanawin ng iba't-ibang klase ng mga tao...nais rin ng may akda na makaguhit, makapagsulat o makapag-kompayl ng sari-saring kwento na batay sa mga karanasan niya sa starbucks...

11.10.2005

i'm confused

I saw 'something' este 'someone'. She’s pretty and tall. She looks every inch like a woman. Now what’s the big deal eh? I’m confused! I dunno if she’s a he…or is he a she? Methinks most of the homo’s now are more confident in exposing their selves… no prejudice meant to the gay and lesbian people ha…sometimes, I’m having a hard time determining if the person I saw is a guy or a girl…


**is she a he? Is he a she? Aaah! Ano nga ba? Labo!**

11.06.2005

--- My parents came up with a new past time…videoke! Oh my gosh! Nabibingi talaga ako!

--- Ooooh, I love listening to orange and lemons (check them out)…they’re so cool! Love the voice of their lead vocalist! I’m diggin indi opm bands too…hehe

--- I also like listening to 107.5 nu rock and 98.7 (it plays Christian songs everyday from 10 pm-12 midnight)…or sometimes to 88.3 and 97.9 (pampatulog)…now I’m wishing there’s a radio station that plays all kinds of music, as in may jazz, new wave, 70’s, 80's, early 90's at kung ano-ano pa…

--- I love the rain (but hate its after effect…yup, the filthy flood of manila)

--- Masarap mag nail cut sa ilalim ng ulan…I found that out yesterday. My friends, Faye, Jonah, and JC ate at Mapua’s KFC (which stands for footlong-an, canton-an…I don’t know what K stands for)

--- My dad bought me a drafting board na! Wuhoo! Say goodbye to bulky and heavy drawing board, hehe

--- I went to Makati yesterday. Oh, boy, it changed a lot. We go to Glorietta most of the time to have lunch, that’s Sundays after school (you heard me right…we have class every Sunday). I mean we frequent to Makati then, way back in grade school…tapos most of the time kasi, sa atc (ayala mall din) or festival mall na lang kami nung high school ako…graabe, I love the new Makati na…high rise buildings, sophisticated stores etc, diff. races of people…I wanna live and work there hehe

--- We have burglars in our house: my mom and dad, my 2 younger bros, my 2-year-old inaanak, and my mom’s personal secretary…grrrrr, they ate my lay’s barbecue in secret!!!

--- gusto ko nang lumipat ng bahay! Hmm…sa La Marea pwede na…ah basta, somewhere else. I don’t like our subdivision, it’s so noisy na.

--- gotta study na for our midterm in Filipino tom

--- I noticed I use the word “na” most of the time, even in text messages

--- I wonder what it’s like to be a foreigner in your own land…I have this classmate in NSTP class who’s half-iranian and half-filipina…she has a Filipino citizenship that’s why she’s required to take up Filipino classes…now that’ll be hard for her. She doesn’t know how to speak in Tagalog…tsk tsk

--- tinatamad akong gumawa ng movie review

--- It's kind of Regine Velasquez to have her gowns auctioned for the Kapuso's charity (something like that)...those are designer gowns so I'm sure they're very costly

--- Something dreadful happened last Friday...nilabhan ng yaya ko yung pink chux (chuck taylor shoes) ko!!! Huhu! Eh i want my chux na madumi na talaga...sabi kasi ni yaya, "ay kawawa naman alaga ko...ang dumi-dumi na ng sapatos...hindi na siguro naalala na ipalabha kay manang linda". Huhuhu she didn't even asked for my permission. Huhuhu ang linis tuloy ng chux ko

--- By faith, someone will bless me a new Canon Ixus 55

--- Yeah! Midterm na! Next year, panibagong term na (Jan. 2 to be exact)…meaning makaka-attend na ako ng YOF…makakatambay na din ako sa YOF org…makakasali na din ako sa ibang org…pero kahit naman di ako pinapa-attend ngayon ok lang ako (isang buong term yun—2 ½ months)…chillax kami ni God.


bentekwatro oras

Sometimes, I would just wish that time would be longer…that there would actually be 28 hours or more in a day just so I can squeeze in everything that I need to do…like if I have 3 plates to do that is due the next meeting, or if I have to study for my constitution subject (which means hours of memorizing), or write everything that’s in my mind for hours in my laptop…I wish it was like that…but reality check, God only gave us 24 hours a day…I often wonder why…but then I would always find myself answering my very own questions…come to think of it, if we have longer hours in a day, tendency is we would be preoccupied with a lot of things, and when I say “a lot”, I’m sure, really “a lot”…I can attest that…then it might only mean we might not have time for Him anymore…if we have longer hours, we will have more reason to be busy, even too busy to actually spend ‘some’ time with Him… but I’m glad He made our day this way—just 24 hours…cos if He didn’t, would I even be able to witness just how faithful He is? How he’d marvelously squeeze in my time whenever I needed it, or find a taxi even on an ungodly hour? I’m better off this way…24 hours is okay with me now…it’s no longer a reason for me to be busy and not actually have my quiet time…but it now gives me more “time” to witness just how faithful He [can and] really is…and I thank Him for that…

11.04.2005

astig!

Hehe. Minsan ok talagang maging "basurera". Weh! Nahanap ko na yung ibang stories na ginawa ko! yeahmoy!

paano kung...

Tayo sa pangarap

Halos isang buwan ka nang hindi pumapasok. Minsan tuloy naiisip ko, kasalanan ko nga ba ang lahat?

Nahuli kasi tayo ng iyong ina na magkasama papunta sa klasrum mo. Pare-pareho tayong nagulat sa isa’t-isa. Ikaw, nagulat dahil nakita mong nasa loob ng kolehiyo mo ang iyong ina. Ako, dahil alam kong ayaw na nakikita ng ina mo o ng pamilya mo na magkasama tayo. At ang iyong ina, dahil ang paniwala nya ay yung isa nating malapit na kaibigan ang palagi mong kasama.

Wala naman talagang may gusto na magkasama tayo. Binibiro mo pa nga ako eh, na kapag nakita ako ng kuya mo at ng matalik na kaibigan nito ay baka ipa-hunting o ipapatay ako nun. Bantay sarado ka nga ng pamilya mo eh, lagi kang hatid sundo. Kung minsan, kailangan pa nating kuntsabahin yung isa nating kaibigan para pagtakpan tayo.

Naalala ko tuloy nung una tayong nagkakilala. Unang impresyon ko nga sa’yo ay wirdo ka, sobrang out of this world kasi ang mga ideya mo. Isip-bata ka rin at pareho tayong mahilig sa snickers. Baduy ka dahil mahilig kang maglaro ng Ragnarok. Pero kumportable ako pag kasama kita. Masaya nga tayo kahit madalas tayong dalawa lang lagi ang magkasama. Animo wala tayong pakialam sa mundo kahit pa sabihing may mga kilay na nagtataasan kapag nakikita tayong dalawa na magkasama.

Hindi nagtagal nahulog ang loob ko sayo. Ikaw ay ganoon din. Pero tinapat mo naman ako noong una pa lamang, huwag akong umasang may kapalit ang inuukol kong pag ibig para sa yo. Ang sabi ko, ayos lang, handa naman akong maghintay. Lumipas ang mga buwan na nakuntento akong magkaibigan lang tayo. Nakakatawa nga eh, minsan ay napapagkamalan na “tayo” dahil ang sweet daw natin sa isa’t-isa, palagi pa tayong magkasama, at may mga bulung-bulungan din na may namamagitan na daw sa ating dalawa. Hindi ko pinansin iyun. Ikaw din, hindi. Ang lagi mo na lang sinasabi, “bahala sila kung anong gusto nilang isipin. Ang importante, alam natin ang totoo. Tayo nga ba?” Sabay hahagikhik ka at tutuksuhin mo ako.

Magkaibigan nga lang ba tayo? Pero bakit pakiramdam ko higit pa dun? Hindi ba’t nagsasabihan pa nga tayo ng “wala lang” kahit sa harap ng ibang tao? Na ang totoong ibig sabihin ay “I love you”. Nalilito na ako, hindi ko na tuloy alam kung mahal mo ako bilang kaibigan lang o mahal mo ako dahil sa mas higit na dahilan pa. Pero hindi ko kinwestyon kailanman ang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin. Tama na sa akin ‘to…yung tipong alam ko na ispesyal ako sa’yo at may lugar ako dyan sa puso mo.

Mahal, halos isang buwan na kitang di nakikita…May mga araw na hinihiling ko na sana nasa tabi lang kita gaya ng dati, walang kamatayan na kwentuhan at tawanan, mga araw na nagsasabihan tayo ng wala lang, mga di natin pag attend sa klase, mga maliligayang araw natin. Oo na, alam kong sasabihin mo na ang corny-corny ko dahil ang mushy ko. Nagiging ganito lang naman ako dahil sa’yo eh.

Mahal na mahal kita. Alam kong alam mo iyan. Pero pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit bigla kang naglaho na parang bula…kung bakit nagkakagulo kayo ng pamilya mo…

Naalala mo pa ba noong huli tayong nagkausap at nagkaaama, umiiyak ako noon. Sabi mo dapat tumahan na ako. Pero hindi ko magawa…alam ko kasi na ang ibig sabihn nun ay malaki ang posibilidad na hindi na tayo magkausap at magkita, alam kong gagawa ng maraming paraan ang iyong pamilya para mailayo ka sa akin. Sino ba nga naman kasi ang aapruba sa relasyon natin? Pareho kasi tayong babae.

Sa ngayon, hahayaan ko na lang na makuntento ang sarili ko sa pag-alala ng ating nakaraan…ng ating masasayang araw, kasama na rin siguro yung mga malulungkot. Mananatili na nga lang siguro na tayo sa pangarap. Ayos lang, walang kaso sa akin yun. Basta’t mahal natin ang isat isa, tama na iyon.

110405
------------------------------------
note: this is a non-fic story...nangyari ito sa dalawa kong kaibigan. im not just sure kung accurate ang pagkakasulat ko...na-exag ko yata...will post more about this later...

mga pananaw ko -- 2005 >> thank you for dropping by. everything written here are purely my thoughts, opinions, point of views etc. well, you might find some grammatical and spelling errors...if ever you'd like to copy my works, please ASK for my PERMISSION first. feel free to write me at cradled_in_his_arms@yahoo.com ciao! gay r. ayad // bilang_ako